Filipos Chapter 1-2
Today's Verse
"Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Cristo."
- Filipos 1:20
Tayo bang mga Cristian ay tulad din kaya ni Pablo na nagnanais na huwag magkulang sa ating tungkulin sa paglilingkod sa Panginoon? Ito ay isa sa magandang katangian ng isang tagasunod ni Cristo na dapat matagpuan din sa atin.
Subukan nating suriin ang ating sarili kung sapat ba ang ating ginagawa upang magampanan ang ating tungkulin sa ating Panginoon. Sapat ba o kulang? Kahit sa pamantayan ng tao, alam natin at masusukat natin ang ating sarili. Malalaman natin na tayo ay nagkukulang pa din.
Kung si Pablo na sa tingin natin ay sobra na sa pagpapakapagod sa pamamahagi ng Mabuting Balita sa mga nangangailangan, nagkasakit at nabilanggo, ay nagnanais at umaasa pa rin sya sa tulong ng Panginoon upang huwag syang magkulang sa kanyang tungkulin sa paglilingkod.
Ito ang dapat na makita sa atin ng Panginoon, kaya lagi nating ipanalangin na magawa natin ang ating tungkulin bilang taga-sunod ng Panginoong Hesus. Hilingin nating huwag tayong magkulang sa mga ipinagagawa sa atin ni Cristo.
".......AT SA MABUHAY AT MAMATAY, MABIGYAN NATIN NG KARANGALAN SI CRISTO."
0 Comments