Filipos Chapter 3
Today's Verse
" Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na, ngunit sinisikap kong maisakatuparan ang layunin ni Cristo Jesus ng tawagin nya ako."
-Filipos 3:12
Marami ang nagsasabing " ligtas na ako " kaya ang kanilang ginagawa ay magsimba lang, umawit, umupo, makinig at pagkatapos ay umuwi ng bahay. Pagdating naman sa bahay, sasabihin nya, " laging nasa puso ko ang Panginoong Hesus " kaya ang gagawin nya ay magbabasa ng biblia at mananalangin.
Ito lang ba ang dapat gawin ng taga sunod ni Cristo? kahit ang masasama, mamamatay-tao, at magnanakaw ay kayang gawin ang mga ito. Ano pa ang magiging kaibahan natin sa kanila? Wala!
Kaya nabanggit ni Pablo na "hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na" na ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang kaligtasan. Oo, ligtas na sya dahil nanampalataya sya sa panginoong Hesus, ngunit sinabi din nya na nagsusumikap syang maisakatuparan ang layunin ng Panginoon ng tawagin sya.
Tayong lahat ay tinawag mula sa kamatayan patungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit hindi lahat ay tumutugon sa kanyang panawagan, kaya't ang iba ay napapahamak.
Ngayon kung isa ka sa tumugon sa kanyang panawagan, mayroon kang buhay na walang hanggan, ngunit dapat mong malaman na ang Panginoong Hesus ay may layunin. Ito ay ang ipangaral o ibahagi ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa lahat. Kaya't kung sinasabi mong isa ka sa taga-sunod ni Cristo, magsumikap kang maisakatuparan ang layunin ng Panginoong Hesus, ang maligtas ang lahat.
*** TO GOD BE THE GLORY ***
0 Comments