About Me

header ads

Kagandahang-Loob

Filipos Chapter 4

Today's Verse

     " Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon."

                                                     -Filipos 4:5


     Madaling ipakita sa kapwa ang ating kagandahang loob, lalo na sa mga malalapit sa atin o mga mahal natin sa buhay, Ngunit iba ang iparamdam o ipadama.

     Kapag ipanakikita natin ang ating kagandahang-loob, maaaring ito'y isa, dalawa, lima o sampung beses lamang sa isang tao at tayo'y magsasawa na. Bakit nangyayari ang mga ganito? Maaaring iniisip lang natin na kailangang gumawa ng mabuti. Isa pa, dahil ang iba ay hindi naman natin kamag-anak, kaibigan, o hindi kilala kaya may hangganan ang pagtulong natin sa kanila.

     Marami ang pareho ang pagkakaunawa sa ipakita at ipadama. Kapag ipinapadama natin ang ating kagandahang-loob sa isang tao, ito ay may pag-ibig. Nasisiyahan tayo kahit na wala tayong nakukuhang kapalit sa kanila. Bakit? Dahil mahal natin sila. Gusto nating gumawa ng mga bagay na ikatutuwa nila sa t'wing makikita natin sila. Walang limitasyon kung hanggang saan ka tutulong. At kahit hindi ka magsalita, ito'y ramdam nila. Nagagawa mo ba ito sa lahat ng tao, o sa mga mahal mo lang sa buhay at kakilala?

     Ang sabi ni Pablo, " Ipadama ninyo sa lahat ang kagandahang-loob....."

     Kung hindi pa natin nagagawa ito, at nahihirapan tayong iparamdam sa hindi natin mahal sa buhay, ipanalangin natin sa Panginoon na bigyan tayo ng pusong mapagmahal sa lahat ng uri ng tao dahil malapit nang dumating ang Panginoon.

.........Faith, Hope, and Love.......But the greatest is LOVE..... GOD Bless Us!!!

Post a Comment

0 Comments