Colosas Chapter 1
Today's Verse
"Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinapahayag sa lahat ng tao."
-Colosas 1:23
Marami ang nagsasabing ligtas na sila dahil tinanggap na nila ang Panginoong Hesus bilang kanilang Panginoon at taga-pagligtas. Sinasabi nila na hindi na mawawala sa kanila ang kaligtasan kahit na makagawa sila ng kasalanan, sapagkat biyaya ng Diyos ang kaligtasan at habag ng Diyos ang kanilang depensa. Maling mali, ang ganitong paniniwala ay magdudulot lang ng kasalanan sa kanila.
Okey lang ba sa Diyos na magkasala ka dahil tinuturing ka na nyang anak? Papaano naman yung mga taong nagpupumilit umiwas sa kasalanan kahit di pa nila nakikilala ang Panginoon? Sa tingin mo ba patas humatol ang Diyos? ang Diyos ay di nangungunsinti. Huwag mong ipagmalaki na ligtas ka na upang ipagpatuloy pa ang kasalanan.
Si Pablo na ang nagsabi, " Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig." Ang ibig lang sabihin nito ay posibleng mawala ang inaasahan mong kaligtasan kung di ka mananatiling tapat at matatag sa pananampalataya sa Panginoon. Hindi sasabihin ni Pablo na manatili tayong tapat at matatag kung sa pagtanggap lng natin sa Panginoon ay ligtas na tayo. Kailangan pa din nating lumaban sa kasalanan upang malubos ang ating kaligtasan, gaya ng nakasulat sa Filipos 2:12.
MAGPATULOY TAYONG LUMABAN SA KASALANAN.....
0 Comments