Colosas Chapter 2
Today's Verse
"Kaya't huwag na kayong pasakop sa anumang tuntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong buwan o sa araw ng pamamahinga, ang mga ito'y anino lamang ng mga bagay na darating at si Cristo ang kaganapan nito."
-Colosas 2:16-17
Ang kautusan ay ipinadala sa tao sa pamamagitan ni Moises upang maging gabay at malaman kung ano ang tama at mali habang wala pa ang Panginoong Hesus.
Ngunit sa pagdating ng Panginoon, ang kautusan at tila anino na lamang sapagkat ang hinaharap noon ay dumating na. Ang nilalaman ng kasulatan ay naganap na ng dumating ang Panginoon. Kaya't bakit pa tayo mananatili sa kautusan? Tayo'y iniligtas na sa pamamagitan ng kagandahang loob ng Diyos, hindi na tayo sakop ng kautusan.
Sinabi ni Pablo na huwag na tayong pasasakop sa anumang tuntunin tungkol sa pagkain o inumin, sa kapistahan, bagong buwan o sa araw ng pamamahinga. Kung ano man yung nakagisnan nating mga tradisyon, hindi na dapat ito ang nasusunod natin, kundi ang kalooban ng Panginoong Hesus, at ito ay magkaroon tayo ng malinis na puso na naglilingkod sa pagtupad ng kanyang layuning ipahayag ang Mabuting balita.
0 Comments