About Me

header ads

Laging Handa

1 Tesalonica Chapter 5

Today's Verse

     "Sapagkay alam na ninyong ang pagdating ng araw ng Panginoon at tulad sa pagdating ng magnanakaw. Kapag sinabi ng mga tao, "tiwasay at panatag ang lahat," biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makaiiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam ng babaeng nanganganak."

                                                              - 1 Tesalonica 5:2-3




     Mabilis at hindi natin namamalayan ang panahon. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin kinabukasan, ang Diyos lamang ang nakakaalam nito. Kung paanong hindi natin namamalayan ang pagdating sa atin ng mga problema, ganoon din ang pagdating sa atin ng Panginoon.

     Ihalintulad natin ito sa ating katawan. Hindi natin nalalaman kung kailan ito mamamatay, basta na lamang mabibigla ka "ngayon na pala ito". Ang masaklap nito ay kung hindi ka handa, na binabale-wala mo lang ang salita ng Diyos at inaakala mong mahaba pa ang iyong oras. Kaya't dapat na mag-isipisip ka na bago ka mahuli. Ang sabi nga sa Biblia, 'ngayon na ang panahon ng pagliligtas'.

     Ang verse na ito'y hindi lamang sa katapusan ng daigdig, pati na rin sa katapusan ng bawat isa sa atin. Ngunit kung ikaw ay mabuting sumusunod sa Diyos, wala ka dapat ipangamba dahil walang anak ng Diyos na takot mamatay. Sapagkat wala tayong dapat naisin kundi ang makapiling ang Panginoon na lumikha sa atin.

   

Post a Comment

0 Comments