About Me

header ads

Ang Suwail

2 Tesalonica Chapter 1-3
Today's Verse

     " Lilitaw ang suwail na taglay ang kapangyarihan ni satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan. At gagamit siya ng lahat ng pandaraya sa mga mapapahamak --- mga taong maliligtas sana kung tinanggap at inibig ang katotohanan."

                                                    - 2 Tesalonica 2:9-10


     Hindi pa man nangyayari ito, pinauna nang ipaalam sa atin ang mensaheng ito mula pa sa aklat ni Daniel hanggang sa aklat ng Pahayag ni Juan. Kaya't mahalagang mabasa ito ng bawat isa sa atin upang hindi tayo mailigaw ng maling pananampalataya.


     Darating ang oras na marami ang maniniwala sa taong magsasabi na s'ya ang Diyos. Mangyayari ito dahil, tulad natin, isa din tayo sa naghihintay sa muling pagbabalik ng Panginoon. Ngunit kung pag-aaralan mong mabuti, hindi ka maililigaw kung alam mo ang katotohanan. Dahil ang darating na ito ay mangangaral pa at maraming gagawin na kamangha-mangha. Pag may narinig kang ganito, huwag kang maniwala, dahil ang biblia ang nagsabi na sa pagdating ng Panginoon, Siya ay darating na nasa alapaap at pasulubong niyang kakatagpuin ang kanyang mga hinirang.

     Ang Panginoon ay nangaral na dito, bakit pa nya uulitin ang pangangaral? kailangan bang ipako syang muli? Hindi, tapos na ang eksenang iyon at napagtagumpayan na nya 'yon. Tayo na ang magpapatuloy sa pangangaral. Ito ang dahilan kung bakit sya bumuo ng mga disipulo upang mangaral.

     Kaya't kung may lilitaw man na mangangaral at sasabihin nyang sya ang diyos o sya ang panginoon, huwag kang maniwala. Sapagkat iisa lang ang Diyos at ang kanyang mga salita ay di nagbabago, kung sinabi nya na pagbalik nya ay kukunin nya ang kanyang mga hinirang o yung tinatawag sa english na " Rapture ", iyon ang paniwalaan natin.

Post a Comment

0 Comments