1 Timoteo Chapter 1
Today's Verse
"Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi't paniwalaan ng lahat: si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat. Ngunit kinahabagan ako ng Diyos upang sa nangyari sa akin ay ipakita ni Cristo Jesus kung gaano siya katiyaga, at maging halimbawa ito sa mga mananalig sa kanya at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan."
- 1 Timoteo 1:15-16
May katwiran ang tao na tulad nito, "sila na lang ang magbago... dibaleng di ako maligtas basta yung mga mahal ko sa buhay nalang." Naiisip ng ibang tao ang katwirang ito dahil sa pagkakaalam nila mahirap magbago at hindi na sila mapapatawad ng Panginoon sa kanilang mga nagawa. Isa ka ba sa mga taong may ganoong katwiran?
Huwag mong isugal ang iyong buhay kung mayroon namang ibang paraan. Ang kailangan lang natin ay malaman yung mga katotohanan at pag-asa. Paano natin malalaman ito at saan natin matatagpuan ang kasagutan? Ang sagot ay doon sa Biblia na matagal na nating binabalewala. Kung hindi ka nagbabasa ng Biblia, hindi mo malalaman na maraming tao pala ang makasalanan ngunit pinili ng Diyos upang patawarin at maglingkod.
Tulad ni Pablo na dating lumalaban sa layunin ng Panginoon. Inuusig nya ang mga lingkod ng Panginoong Hesus, subalit hinirang sya ng Diyos upang maging isang malaking patotoo. kaya't kahit ano man ang kanyang kasalanan, noong tinawag sya ng Panginoon ay nagsisi sya sa kanyang kasalanan at sumunod sa Diyos. Alam na nating makasalanan tayo, ngunit gusto mo bang magwakas lang hanggang doon? Ang kailangan lang ay magsisi, tumalikod sa kasalanan at sumunod sa Panginoon. Ano man ang kasalanan natin, kayang kaya ng Diyos na burahin yan kung alam nyang handa kang pagamit sa kanyang layunin. Tandaan mo, kung may taong matyaga, wala ng hihigit sa Panginoon sa kanyang paghihintay na bumalik ka sa kanya upang bigyan ka ng buhay na walang hanggan.Siya na ang nag-antay siya pa ang magbibigay.
0 Comments