About Me

header ads

Beautification


1 Timoteo Chapter 2

Today's Verse

     "Ang mga babae nama'y dapat maging mahinhin, maayos at maingat sa pananamit at ayos ng buhok. Ang pinakahiyas nila'y hindi ang mga palamuting ginto, perlas o mamahaling damit, kundi ang mabubuting gawang nararapat sa mga sumasampalataya sa Diyos."

                                                      -1 Timoteo 2:9-10




     Ang mga babae, bagama't kailangang mag-ayos ay kailangang pag-aralan din kung ano ba ang mga dekorasyon ang gagamitin sa katawan upang lalong mapaganda ang sarili.

     Sa Biblia, binigyan tayo ng halimbawa upang mapaganda natin ang ating sarili na naaayon sa kalooban ng Diyos. Para sa mga babae; kung ang kilos mo ay padaskol-daskol o bara-bara, upang makasunod ka sa alituntunin ng Panginoon, kailangan mong maging mahinhin, maayos manamit. Hindi porke't uso ang mga ganyang damit eh isusuot mo na, kailangang ibagay mo sa sarili mo na hindi ka mapupulaan ng mga tao at ibabagay mo din sa kapaligiran mo.

     Maingat manamit, huwag mong ikatwiran na maganda ang katawan mo at makinis ang iyong balat kaya't okey lang na ilantad at ipagmalaki ang iyong katawan. Hindi mo ba alam na ikaw ang nagiging sanhi ng pagkakasala ng iba? Hindi lang sila ang nagkakasala kundi pati ikaw, dahil nasusulat sa Biblia;

      Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya't mag-ingat kayo...." -Lucas 17:1-3

     Hindi mo na kailangang maglagay ng mga alahas o anumang dekorasyon sa iyong katawan upang umangat ang iyong kagandahan, ang pag-gawa ng mabuti ang mas nagbibigay kagandahan sa tao.

Post a Comment

0 Comments