1 Tesalonica Chapter 1-4
Today's Verse
"Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan. Kaya, ang sinumang ayaw sumunod sa katuruang ito ay hindi sa tao sumusuway, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa inyo ng kanyang Espiritu Santo."
- 1 Tesalonica 4:7-8
Ang pagsunod at pagsuway ay magkataliwas, magkakontra, o magkalaban. Kung sinasabi natin na tayo ay tagasunod ng Panginoong Hesus, dapat hindi tayo nagpapadaig sa kahalayan. Sapagkat sa oras na nagpadaig tayo sa masama, hindi na natin nasunod ang katuruang ito.
Sabi nga, hindi tayo sa tao sumusuway kundi sa Diyos. Ibig sabihin, hindi pala tayo tagasunod ng Panginoon kundi tayo ay tagasunod ni Satanas. Sapagkat ang nasunod natin ay ang hari ng kasamaan.
Ngunit dahil sa tayo'y tinawag ng Diyos, mayroon tayong pribilehiyong humingi ng tulong, humingi ng lakas sa Panginoon upang mapagtagumpayan natin ang gawa ng masama. Sa t'wing tayo'y malalagay sa alanganin, huwag nating kakaligtaan na tayo ay hindi madaling maihuhulog ng kasalanan. Sa kaisipang ito, malaki ang pagkakataon nating magwagi laban sa kasalanan dahil maaalala natin na ang ating matatawagan at ating kakampi ay higit na mas makapangyarihan sa lahat.
Kaya't si Pablo ay nagpaalala sa atin na tayo ay 'tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan'. At ito naman ang layunin ng Panginoon sa atin na tayo ay magpakabanal dahil sya ay Banal.
0 Comments