Today's Verse
Sinabi pa rin niya, "Ikaw Panginoon, ang lumikha ng sangkalupaan at ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan."
-Hebreo 1:10

Sino ang nagsasabing ang Panginoong Hesus ay hindi Diyos? Maraming talata sa biblia na nagpapatunay na ang Panginoong Hesus ay hindi lang tao kundi Diyos.
Isa lang ito sa mga talata nang katunayan na nagpapahayag na ang Panginoong Hesus ay isang Diyos, sapagkat Diyos lamang ang lumikha ng lahat ng bagay at idiniin sa talatang ito na ang Panginoon ang lumikha dito.
May nagsasabing si Hesu-Kristo ay isa lamang propeta, ngunit ang mga propeta na namatay na ay hindi muling nabuhay, samantalang ang Panginoon ay pinatunayang nabuhay, at walang propetang kayang magligtas ng sangkatauhan mula sa habambuhay na kamatayan.
May nagsasabing ang Diyos ay espiritu at si Hesus ay tao kaya't imposibleng si Hesus ay isang Diyos. Bakit hindi maunawaan ng iba na ang Diyos ay nagkatawang tao dahil tao ang kanyang ililigtas. Ginawa niya ito upang magkaroon tayo ng halimbawa kung paano makakaligtas ang isang taong gaya natin laban sa kamatayan. Kung hindi naging tao ang Diyos, magkakaroon tayo ng kaisipan na hindi natin magagawa ang ginawa ng Panginoong Diyos dahil hindi naman tayo Diyos.
0 Comments