2 Timoteo Chapter 2
Today's Verse
"Ngunit matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at tinatakan ng ganito: "Nakikilala ng Panginoon kung sinu-sino ang sa kanya," at "Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasalanan."
- 2 Timoteo 2:19
Halos karamihan sa tinatawag na "Christian" ay madalas tumawag sa Panginoon, lalo na kung nangangailangan ito, at sa tingin naman nya karapat- dapat syang tawaging "Chritian". Ngunit totoo nga bang "siya" ay isang "Christian"?
Ang salitang "Christian" ay tawag sa mga taong pinaghaharian ng Panginoong Hesus o tinatawag na "Citizen of Christ". Sa makatuwid, ito ay mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos.
"Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasalanan." Ito ang madalas na hindi sinusunod ng mga tao. Tawag ng tawag sa Panginoon ngunit patuloy naman sa kasalanan. Hindi man lang makitaan na unti-unting iniiwasan ang kasalanan. Minsan naman, sasabihin ng iba, "magbabago na 'ko!" pagkaraan ng tatlong araw binabalik nanaman ang dating pagkatao, pilit na binubuhay ang dapat na namatay na sa kasalanan.
Tandaan natin, nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus at namatay, kasama nang namatay ang dati nating katauhan - ang makasalanan nating pagkatao. Kaya't bakit pa natin pipiliting buhayin muli ang dating "tayo"? Ang iniligtas ng Panginoon ay di na muling magpapatuloy sa kasalanan, tayo ay bago ng nilalang. Ngayon kung sa tingin mo ay di ka makaahon sa kasalanan, baka di ka pa talaga totoong tumanggap sa Panginoong Hesus. Kung sa tingin mo na hindi naman grabe ang nagagawa mong kasalanan mag-isip-isip ka na. Walang maliit o malaki sa kasalanan. Ang hindi gumawa ng alam nyang tama ay nagkakasala. Ang pagsisinungaling at pagpatay ay pareho lang. Kung babalikan natin sila Eva at Adan, hindi naman sila nagnakaw ng prutas dahil wala naman may-ari niyon, ang kanilang kasalanan ay hindi lang nasunod ang tagubilin ng Diyos - ito ay pag-suway, na parang pinagbawalan ka lang ng magulang mo na huwag ka munang magpapaligaw o manliligaw at hindi mo sinunod. Simple lang na kasalanan kung ihahalintulad mo sa batas ng tao. Ngunit para sa Diyos, walang puwang ang kasalanan sa kanyang kaharian. Kaya ipinadala ang Panginoong Hesus upang linisin ang hindi kayang linisin ng tao.
Ngayon kung ipipilit natin na bahiran ng dumi ang ating pagkatao, siguradong nasa lagayan pa yan ng madudumi, dahil ang nilinis ng Panginoon ay inilalayo nya sa maaaring makadumi dito.
----------------LUMAYO SA KASALANAN---------------
0 Comments