About Me

header ads

Huwag Ikahiya Ang Mabuting Balita

2 Timoteo Chapter 1

Today's Verse

     "Kaya't huwag mong ikahihiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagliligtas at tumawag sa atin upang tayo'y maging kanyang bayan. Ito'y ginawa niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob  na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon."

                                                                       - 2 Timoteo 1:8-9




     Ikinahihiya ba natin ang ginawa sa atin ng Panginoon? Bakit nahihiya tayong i-share sa iba ang kaligtasang ibinigay sa atin ng Diyos.


     Sabi nga sa mga naunang talata sa 2 Timoteo 1:7, "sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinibigay sa atin ng Diyos, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili."

     Ano pa ang maidadahilan natin upang hindi natin ibahagi sa iba ang kaligtasan? maaaring nahihiya ka o wala kang balak magshare o ayaw mong pakialaman ang kaligtasan ng iba.

     Kung ikaw ay isang Cristiano, tungkulin nating ibahagi sa iba ang Mabuting Balita ng kaligtasan upang hindi tayo maging makasarili. Ang makasarili ay walang puwang sa kaharian ng Diyos. Ang kaligtasan ay maibabahagi natin sa iba kung lagi tayong hihingi ng tulong sa Panginoon at hindi tayo aasa sa sarili nating kakayahan.

Post a Comment

0 Comments