1 Timoteo Chapter 5-6
Today's Verse
"Pag-ibayuhin ninyo ang ibinibigay sa matatandang mahuhusay mamahala, lalo na yaong nangangaral at nagtuturo ng salita ng Diyos. Ito ang sinasabi ng kasulatan, "huwag mong bubusalan ang baka habang ginagamit sa pag-giik." Nasusulat din, "ang manggagawa ay karapat-dapat na bayaran."
- 1 Timoteo 5:17-18
Hindi natin dapat paghimasukan kung tumatanggap ang mga manggagawa ng iglesya para sa kanilang ikabubuhay, dahil ito naman ang dapat. wala silang ibang trabaho kundi ang maglingkod sa Diyos. Kung hahanap pa sila ng trabaho, sino ang papalit sa kanila? Posibleng mapabayaan nila ang tungkulin sa oras na makapagtrabaho sila.
May mga manggagawa naman na "Part-timer". Ginagamit nila ang natitira nilang oras upang maglingkod sa Diyos. Ito ay ang mga taong itinalaga ng Diyos na magkatrabaho upang masuportahan ang pangangailangan ng iglesya. Ngunit huwag kailan man ninyong uunahin ang trabaho kaysa sa Panginoon, dahil hindi mawawala ang trabaho sapagkat ibinigay ng Diyos sa inyo yan upang gamitin ka. Kung uunahin mo ang trabaho baka naman ikaw ang mawala sa aklat ng buhay.
Kung ikaw ay hinirang ng Diyos na maging mangangaral kailangang suportahan ka ng iglesya upang magpatuloy ang pangangaral ng salita ng Diyos. Kaya mayroong "ikapu at handog" ay para magpatuloy ang gawain na ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon. Ngunit bilang lingkod ng Diyos, iwasan mong tumingin sa ibinibigay sayong tulong. Kung ano ang nakayanan ng iglesya, tanggapin mong may pasasalamat dahil ang pinakamahalaga, may tulong o wala, sundin mo ang layunin ng Diyos, na maligtas ang lahat, na may galak sa iyong kalooban.
0 Comments