Tito Chapter 1
Today's Verse
"Malinis ang lahat ng bagay sa malilinis ang isipan, ngunit sa masasama at di nananampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan."
-Tito 1:15
Malilinis ba ang ating isipan? Hindi ba tayo nakakaisip ng mga karumihan? Kung magagawa lamang natin na walang maisip na karumihan kundi pawang kalinisan lang, sana'y malinis ang lahat sa ating paligid, walang polusyon ng kasamaan.
Lahat tayo ay bumagsak sa pag-iisip ng karumihan, mga kasalanan na nagpaparumi sa ating dating malinis na pagkatao. Ngunit tandaan natin, nang tayo ay sumampalataya sa Panginoong Hesus, hindi lang tayo nilinis kundi ginawa tayong bago. Kaya't kung dati ang damit mo ay kulay itim na sa sobrang karumihan, pinalitan na yan ng kulay puti at bagong bago.
Sino ba sa atin ang bibili ng bagong damit para lang ipamunas sa sahig? Sino sa atin ang bibili ng bagong-bagong kotse para lang gasgasan? Hindi ba't ang gumagawa lang ng ganito ay yaong mga baliw? Ngayon, bakit ng tumanggap ka sa Panginoon ay bumabalik ka pa sa karumihan, isa ka din ba sa mga baliw? Walang baliw na nakaintindi ng mga batas. Sa makatuwid hindi mo pa naiintindihan ang kaligtasan. Hindi mo pa naiintindihan ang pananampalataya, at hindi mo pa nakikilala ng totoo ang Panginoong Hesus.
Kaya't kung ikaw ay mananampalataya sa Panginoon at bibigyan ka ng bagong buhay, huwag mo na itong dungisan pa.
0 Comments