About Me

header ads

Umiwas Sa Mapagkunwari

2 Timoteo Chapter 3-4

Today's Verse

     "Sila'y magkukunwang may pananampalataya ngunit hindi naman nakikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga ganitong tao."


                                                                     -2 Timoteo 3:5




     Sa loob ng bahay-sambahan, marami tayong makikitang ganito. Walang absent tuwing araw ng linggo at kung minsan naman, aktibo pa sa mga ibang ministry. Ngunit ang nakikita natin sa kanilang mga pagkilos ay walang pagbabago, saliwa sa mga aral ng Diyos. Ito ang mga taong nagkukunwaring may pananampalataya. Bakit tinawag na nagkukunwari? Dahil alam naman nila na mali ang kanilang ginagawa subalit natatangay pa din sila ng kasalanan.

     Pero bakit sila ang ating pag-uusapan? Bakit hindi natin pag-aralan ang ating sariling kilos? Sila man ay tumitingin sa kilos ng iba kaya hindi nila maitama ang sarili. Ang lahat ng bagay na dapat itama ay nagmumula sa sarili.

     Suriin natin kung tayo ba ay walang kapintasan. Kung may nakikita ka, umpisahan mo nang itama. Kung nasa tamang daan ka na at nasisigurado mong ikaw ay nakasusunod , umiwas ka sa mga taong mapagkunwari sapagkat iba ang landas na kanilang tinatahak at baka pati ikaw ay maisama.

     Ngunit bilang lingkod ng Diyos, may karapatan tayong ituwid ang mga ganitong tao na may kalakip na pag-ibig upang sila ang sumunod sa landas na dinadaanan mo.

Post a Comment

0 Comments