About Me

header ads

Dahil Sa Kagandahang-Loob Ng Diyos, Namumuhay Tayo Ng Maayos

Tito Chapter 2

Today's Verse

     "Sapagkat inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang talokdan ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kaya't makapamumuhay tayo nang maayos, mayuwid at karapat-dapat sa Diyos."


                                  -Tito 2:11-12




     Salamat na lamang at may Diyos tayong nagpapakita ng kanyang kagandahang-loob sa ating mga makasalanan. Maraming mga hari ang nagpakita ng kagandahang-loob sa kanyang nasasakupan ngunit hindi pa din ito maihahambing sa kagandahang loob ng Diyos. Ito ang kapangyarihang bumabalot sa mga sumasampalataya sa kanya upang maiwasan ang mga mali, likong pamumuhay at damdaming makasalanan.

     Kung walang kagandahang-loob ng Diyos, hindi natin maiiwasan ang kahit na anong tukso sa paligid. Madali tayong babagsak sa kasalanan at mawawalan ng kabuluhan ang buhay na walang hanggan.

     Dahil sa pagmamahal ng Diyos nagagawa nating makapamuhay nang maayos, matuwid, at karapat-dapat sa Diyos. Kaya't wala tayong dapat na ipagmalaki sapagkat ang pagtatagumpay natin laban sa kasamaan ay dahil sa kagandahang-loob ng Diyos.

Post a Comment

0 Comments