Tito Chapter 3
Today's Verse
"Paalalahanan mo silang pasakop sa mga pinuno at may mga kapangyarihan, sundin ang mga ito, at maging handa sa pag-gawa ng mabuti."
-Tito 3:1
Marami ang nakasusunod dito kung ihahalintulad ang talatang ito sa gobyerno. Bakit? Dahil alam nilang may batas, at ang sumalungat dito ay gagawaran ng parusa.
Dumako naman tayo sa pinakamaliit at pinakamahalagang pamahalaan, ang pamilya. Sino ba ang pinuno ng pamilya, hindi ba't ang ama? Pero madami tayong nakikita na ang nasusunod pa ay ang babae.
Kung nababasa natin ang biblia, malalaman natin ang batas ng Diyos, na ang babae ay dapat pasakop sa kanyang asawa at hindi dapat ito pangunahan. Mayroon ba tayong nakita na baranggay chairman na pinangunahan ang mayor? O kaya naman, ang senator na pinangunahan pa ang presidente? Sabi nga sa ibang talata sa biblia, "Ang isang kawal ay hindi dapat makialam sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal. Sa halip, dapat niyang sikaping magbigay-lugod sa kanyang pinuno ( 2 Timoteo 2:4 ). Kaya't ang dapat gawin ng isang babae ay ang kanyang tungkulin bilang asawang babae at sumunod sa asawa. At ang lalake naman ay gampanan ang kanyang tungkulin bilang pinuno.
0 Comments