About Me

header ads

Pagkaunawa Sa Kabutihan Ng Diyos

Filemon Verse 6

Today's Verse

     " Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipagkaisa kay Cristo."

                     -Filemon 6

                     


     Masasabi mong ikaw ay tunay na Cristiano kung ikaw ay nasa tamang pananampalataya, pananampalatayang nakauunawa sa lahat ng mga ginawa ng Diyos sa buhay mo sa pamamagitan ng pakikipagkaisa mo sa Panginoong Hesus.

     Lahat ng mga bagay na nagyari sa buhay mo, maliit o malaki, mabuti o hindi, at nakikita mong ang Diyos ay kumikilos sa buhay mo, natagpuan mo na ang tamang pananampalataya. Ang malungkot ay sumasaya dahil nauunawaan natin na ang mga ganitong bagay ang nagtuturo at nagpapalakas sa atin upang maging matibay at hindi madaling bumagsak.

     Ituring natin na ang mga inaakala nating simpleng bagay tulad ng pag-iingat sa atin ng Panginoon sa ating pang-araw-araw na buhay ay napakalaki na upang tayo ay magpatuloy sa ating buhay at makapaglingkod sa kanya.

Post a Comment

0 Comments